taas kilay

Matagal ko nang ibig isulat sa kapirasong papel ang mga kuro-kurong gusto kong ipahayag. Ang mga saloobin na siguradong maraming magtataas ng mga kanilang kilay...
Matagal na ang isyung ito pero sya pa rin ang bumabagabag sa simpleng utak sa loob ng aking bungo.
Edukasyon: para lang ba sa mayayaman at sa mga determinadong magkaroon ng kapirasong papel na magpapatunay na may natapos ka?
Para makamit kapirasong papel na ito, maraming protesta ang nakikita sa lansangan, Sumisigaw dahil sa di raw makatarungang pagtaas ng matrikula sa mga unibersidad at mga colegio. Para sa akin, at ito ay opinion ko lamang: paano tayo magkakaroon ng magandang edukasyon kung ang mga pasilidad sa inyong eskwelahan ay mababang kalidad. Paano mo maisasaulo ang mga pingsasabi ng iyong mga propesor kung ang upuan mo ay may 3 paa lamang? Para sa akin, kailangan din namang magtaas ng matrikula ang mga Unibersadad para matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Ang CHED ay nagbigay ata ng kauutusan na pwedeng magtaas ang mga unibersidad na walang kahit walang consultation sa mga estudyante pero ang pagtaas ng matrikula ay naayon lamang sa inflation rate na meron tayo sa ating bansa. Sang-ayon ako doon, pero di ako sang-ayon kung mas mataas pa doon ang hinihiling. Kailangan din nmn kasi ng mga eskwelahan ang pondo para makacope-up sa mga pagtaas ng bilihin. Mas maganda na sa akin ang ganun kaysa naman mgsara ang eskwelahan dahil nalugi ito. Kung masyadong mataas pa rin ang itataas ng matrikula, kausapin ang mga admin. Kaya nga may itinalaga ang mga estudyante n mga lider para mayroon tayong boses na syang makikipag-usap sa admin. At di kayo itinalaga dyan para manguna sa mga rally pag di umaayaon ang mga sitwasyon sa mga kagustuhan nyo. Isispin nyo muna kung bakit sila ngtaas, dahil ba sa personal gain o dahil sa ekonomiya? pag meron kayong solid na katibayan na for personal gain, susuportahan ko kayo, 100%, pero pag haka-haka lamang at dahil sa bugso ng damdamin, mag-isip muna kayo bago kayo magprotesta sa lansangan. Di porke't nakuha natin ang gusto natin sa pamamagitan ng protesta nung una, eh un n at un ang gagamitin para makuha ang ating nais.
At sa mga nagrarally, wag nmn sana nilang pigilan ang mga gustong pumasok. Naranasan ko n ung di ako makapasok sa main gate dahil talagang hinharang nila ang mga mag-aaral para di kami makapasok. Huwag nmn sanang ganun. At sana wag nmn silang kutsahin kung gusto nilang pumasok. bakit, maikakatulong ba kayo kung bumagsak sila kasi nakamiss sila ng isang major quiz dahil hinarangan nyo sila para lang maiparating sa mga kinauukulan ang mga hinaing ninyo? Lahat nmn ay pwdng pag-usapan. Kaya nga bigyan tyo ng gumagalaw na laman sa loob ng bunganga na ang tawag ay dila para gamitin. Pero binigyan din tayo ng utak para mag-isip kung ano talaga ang narapat na gawin at di magpadala sa bugso ng damdamin. Kung di na tayo nag-isip, saan patutungo ang mga nilalaban natin? Sa basura. Walang ng silbi ang mga pagod na iniukol. Kaya para sa akin lang, isipin muna ng mabuti ang gagawin bago magsisigaw sa lansangan.
Pero ang ito matindi dyan. Nakuha nga natin ang kapirasong papel na ninanais at pinghirapan ng ilang taon. Pero pagkatapos, ano na? Napakasaklap isipin na maraming nagtatapos taon-taon, pero iilan lamang ang sa mga ito ang ngakakaroon ng trabaho na naayon na natapos nila. Tama bang sales lady ang natapos ay Engineering? O bagger na ang natapos ay IT? Saan na dun ung pinag-aralan natin? Nagamit ba natin ung pingsasaksak natin sa ating mga utak ng 5 o 6 na taong iginigol sa kolehiyo? mas mabuti pa sana na nagvocational tayo sapagkat kahit vocational ang natapos, siguradong may trabaho agad sapagakat skills ang ipinagmamalaki nila at di lang theory.
Nakakatawa talaga ang panahon ngayon... Nakakatawa na nakakainis!! Kya sa 2007, mag-aaral uli ako pero AB English ang kurso ko. Magtuturo na lang ako at ikucorrupt ko ang mga utak ng mga estudyante ko! Mwahahahahahha!!
Labels: Mula sa kawalan ng pagmunimuni
1 Comments:
Hahaha... I'm hearing Pink Floyd's "Another Brick on the Wall" because of your last statement... hehehe
Post a Comment
<< Home