Friday, March 06, 2009

sila nga ba?

Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Ito ay ang mga ilan sa katagang ibinahagi ni Gat Jose Rizal sa atin. Pero sila nga ba?

Ang sagot: oo. Sila nga, kung hindi, sino na ang magpapabago sa nakalugmok nating lipunan?





Ang mga kabataan ngayon ay di sila bobo, di sila mangmang, ignorante, di sila tanga. Pero kung minsan, nagagamit sila sa mga mapaglinlang na pag-iisip at ginagamit upang makamit ang ninanais na bagong lipunan.
Sa taong kong ginugol sa mundong ito, pare-pareho ang problema pero di nasasagot sapagkat pare-pareho ang ginagawang solusyon upang maresolba ang mga problemang ito. Ang problema sa mga paraan ito, di naayos noon ang mga problema, paano nating masasabing maayos ng mga paraang ito angmga problemang noon pa ay nagpapagulo sa bayan natin?




Ang mga kabataan ngayon ay mas mulat sa mga kaguluhang ito kaysa sa ibang nakakatanda sa kanila na nagmamaang-maangan, nagbubulagbulagan para sa pansariling interes. Bakit di natin sila tulungang ayusin ang bayan natin. Pagbukludin natin ang mga karunungang nakuha sa mga ating ninuno at ang mga makabagong kaisipan ng mga kabataan ngayon upang matapos na ang mga pahirap na ginagawa ng mga "marurunong" nating mga kababayan.


Di nila kasalanan na nawawala sila ng landas kung minsan. Mga bata sila na kailangan ng gabay, pero mga bata din sila na kailangang mamulat sa katotohanan ng buhay. Kasalanan natin na pinabayaan nating lumalala ang mga dating problemang sumisira sa kinabukasan at kaisipan nga mga kabataan ngayon. Hindi kasalanan ng ibang tao, di kasalanan ng bulok na sistema, kasalanan nating mas nakakaalam sa kanila at sa salot na sisira sa kanila kinabukasan nila.



Bakit?


Sapagkat alam nating malaki ang tsansa na mawala sila sa landas pero di tayo gumawa ng paraan upang maiwasan ang mga ito.


Ito ay opinion lang. Nasa sa inyo na kung sang-ayon kayo o hindi. Kung oo, salamat. Simulan na nating baguhin ang sistema. Kung hindi, ano na ang iyong ginagawa ngayon?


Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home