Ang Karayom: Bow!
As of now, I officially hate cross-stitching. I was doing this cross-stitch thingie because I was challenge by Kuya John, who by the way is my partner in this computer shop where I'm working. He challenged me by saying, "Kapatid, babae ka. Do some cross-stitching for a change." I did and I finished one which was about 4in x 5in in size. HE JUST LAUGHED AT ME! THE NERVE! He said that it is better to make something larger than that. I said, Fine! then went and looked for a pattern in the Internet and found one. Actually, I found several but he chose this.

So I bought the necessary threads, and needle (yap i don't even have a needle for cross-stitching). But my big mistake: I chose a cloth which has small square thingies. It wasn't an Aida cloth, it was a basket weave, according to one of the tenants of the building where the shop is located. Actually, I saw this cloth in our linen closet, and because I don't want to spend another penny for the cloth (because the threads cost P10.50 each. I use DMC by the way), I decided to use it. BIG MISTAKE! I'm having a hard time counting and sometimes, I skip a stitch. GRRRR!!! But I will finish this! Yes, I will! And I will do another pattern but next time I'll choose an Aida cloth. I found a pattern of an angel and I'm planning to use to use a black cloth so that the colors will really pop out.
Question: what's the difference of an Aida cloth and a basket weave?
I remembered doing cross stitch for the first time ( I still have that project), and it was like 16 years ago. I was in grade 4 back then. Yes, do the math and you'll know my age. Oh Hell! I'll just make your life easier. I'm 26 y/o now. Lang hiya, di ko alam ang ginagawa ko (biglang switch sa Filipino) kaya tatay ko ang gumawa. Kakahiya, pero totoo. Tatay ko ang gumawa, pero ung simula lang. Ako na ang nagtuloy nung natutunan ko kung paano. Ang kahinatnan ng aking proyekto: presentable naman pero for the first time, nagkaroon ako ng gradong 75 ng First Grading sa HELE na pang grade 4. Yes people, tumatagingting na 75. Di ko matanggap na 75 ang grado ko sa HELE, hanggang ngayon. Nabasa mo un, Ma'am T--------a? (kung kilala nyo ung class adviser ng Gr.IV Sec 1, nung SY 1990-1991, sya un) Pero natakot din ako baka mapagalitan ako ng nanay ko. Di ko nga matandaan kung anong nangyari nun. It was a blur, 'ika nga sa ingles. Pero natatandaan ko na ung isa kong kaklaseng brusko ang dating, pero ang galing manahi!(Kilala nyo ung panganay at mas maputi dun sa twins na lalaki sa batch namin sa elementary, sya un. Pare, peace!). Huli ko syang nakita ay nung highschool ata un. Pumunta siya sa Andres Bonifacio Elem Para sa laro nila sa basketball. San na kaya sila nung kambal nya na naging kaklase ko nung Grade 6?
Sana lahat ng lalaki marunong para di na lang babae ang natutusok ang daliri ng karayom (Sleeping Beauty, anyone?)
- Random fact:
Alam nyo bang natahi ko ang kaliwang hintuturo ko sa makina nung highschool? Ang tawag dun ay KATANGAHAN. Gumawa ako ng project sa THE IV noon nung naaliw ako sa bilis ng takbo ng makina at di ko namalayang nakahambalang pala ung daliri ko sa "dadaanan" ng karayom. Nung naramdaman ko ng pumasok ung karayom sa daliri ko, "hinila" ko ung kamay ko. Sa isang iglap, tumigil ung makina. Sa una, ang tinignan ko ay ung karayom. Kinabahan ako kasi nakita ko bali. Kaya kahit dumudugo ung daliri ko, hinanap ko ung nawawalang parte. Suwerte, nahanapan ko. Di sya nabaon o naiwan sa daliri. Next: Ung sugat ko. Nakita kong isa lang ung tahi. Minsan lang natusok. Sa gilid ng kuko pumasok at tagos-tagos. Suwerte ulit.
Ang malas: masakit at walang tigil ang dugo.
Ang resulta: Hinimatay ako. un ang comedy dun. Nakita ako ng kapatid ko, pero dahil sa pagkabigla, natulala siya. Kailangan pang sigawan ng nanay namin para lang buhatin ako. And take note: Dalawa pa sila bumuhat sa akin papuntang sofa pero tumama pa rin ang puwet ko sa center table. Tama nga ang sinabi nilang mabigat ang mga nahihimatay. Pero puwede ring talagang mabigat ako. Balik sa kuwento. Nung nahimasmasan ako, pinainom ako ng tubig. Tapos tanong kung bakit? Anong nangyari? Ma, hinimatay ako. Di ko alam kung anong sumunod dun pero, masakit ang kaliwang bahagi ng puwet ko. Bakit ganun? basta napapaupo ako, nadudulas o kung anu man, sa kaliwang bahagi ang tumatama? Natusok ko rin ng needle ng rotring tech pen kong 0.5 ang nasabing kaliwang hintuturo habang inaalis ko sya para maalis ang clog. Pero dahil sa puwersa, naitusok ko rin ang nasabing salarin sa daliri ko. Sa ngayon, may blue na dot ang kaliwang hintuturo ko. Pathetic tattoo! Dot lang?! Siguro, kung nasa kaliwang bahagi ang appendix ng tao, masasabi kong talagang kaliwa lang ang accident prone sa katawan ko. (wala na pala akong appendix. Inooperahan ako para maalis yun nung 7 y/o ako. Pag-usapan natin un sa mga sumusunod kong blog. sobrang haba na kasi ito eh.)
Balik sa kuwento. Nung alam kong makakatayo na ako, bumalik ako sa crime scene.
Nakita ko pa ung baling karayom. Pero wala nang bakas ng dugo.
Tama, pinunasan ko pala yun bago ako hinimatay.
Hmmmm... nasan n iyong extrang machine needle #14? Wala na. Yun ung nabali.
Sayang, di ko matatapos ung shorts na ginagawa ko.
Project mo ba un?
Hindi. Tapos ko na. Gusto ko lang gumawa ng extra na shorts na gagamitin sa ilalim ng palda ng uniform ko...
Sa ngayon, gusto ko pa rin ang manahi. Mapa sa makina o cross stitch man . Kaso, ung cross-stitch na ginawa ko: nalaktawan ko ang 2 linya kaya ako naaasar, at pinamigay ng nanay ko last year ung makina.
Hay.... Sayang. Madami pa man din kaming pinagdaanan. Pati ung daliri ko dinaanan niya. Well, pabili na lang uli ako ng makina kay mama ng bago para masaya. Pero TANDAAN: HUWAG TATANGA-TANGA. Ang tinatahi ng makinang pantahi ay tela at di daliri.(Maliban kung brutal ka at tatahiin mo ung kamay ng kaaway mo sa makina. GROSS!)
I miss you, Zenith. Ang pangalan pala nung makina ay Zenith. Yun ang brand, pero puwede rin natin siyang tawagin Zenith. Ang karayom niya ay Singer Machine Needle #14. At may 3 extrang bobbin sa isa sa mga drawer nya. May tailor's chalk din dun na kulay orange.
Pahabol: (anong ibig sabihin ng PS pala?)
Napansin nyo bang puro nakaraan ko sa buhay ang laman ng blog na ito? Eh mas maganda na un kaysa tsismis tungkol sa mga artista (Buntis na ba talaga si Kris Aquino?) o kaya tsismis ng buhay ng may buhay (ung pusa ng kapitbahay namin, nawala nung isang buwan, ngayon buntis) ...
Offline uli ung Lotto sa building namin. Nasunog/Nasira ung 2 dalawang machine nila. Ilan ba ang machine nila? 2. Sa Tuesday pa darating ung technician nila...
Labels: Mula sa kawalan ng pagmunimuni
0 Comments:
Post a Comment
<< Home