Magandang Umaga...
Babaeng nakayukong naglalakad
Dalawang tao, dalawang mundo, iisang lugar
Tadhana ang nagtakda upang sila'y magkita
Pero nakalagpas na ang babae sa kinatatayuan ng lalake
Ang lalake naman ay sumakay na sa bus
Natigilan ang dalawa ng mapansin ang pabango ng isa't isa
Ngunit huli na, tumatakbo na ang bus
Hinabol ng tingin nang babae nag papalayong bus
Ang lalake naman ay nakalingon lang
At di inalis ang tingin sa mukha ng babae
Hanggang sa 'di na niya makita ito
Bukas, magkikita pa kaya ulit sila?
Lalaking nakatingala sa langit habang nasa gilid ng kalsada
Babaeng nakayukong naglalakad
Dalawang tao, dalawang mundo, iisang lugar
Tadhana ang nagtakda upang sila'y magkita
Babaeng nakayukong naglalakad
Dalawang tao, dalawang mundo, iisang lugar
Tadhana ang nagtakda upang sila'y magkita
Sana ngayon, magkausap na sila
At totoo nga, ang tadhana ay nakakatuwa
Sapagkat sila ngayo'y magkilala
At nagsimula sa mga salitang "Magandang Umaga..."
Labels: Mga kathang isip lamang
0 Comments:
Post a Comment
<< Home