Wala na...
Isa, dalawa,tatlo...
Pumapatak na naman ang ulan sa bubong. Ilang ulit ko ng pinagmasdan ang agos nang tubig na dulot ng mga ulap sa itaas. Nasasalo ng kalsada, patungong kanal. Unti-unti ring gumagawa ng pansamantalang bakas sa salamin ng bintana.
Ilang beses na rin ako umasang ako naman. Ako naman ang mapansin, ako naman sana ang nasa tabi mo. Ako naman sana...
Kailan kaya ako naman ang mamahalin mo?
Masakit ang umasa pero sa huli, wala rin lang. Hindi ka pa rin mapapasa akin...
Isa lang akong patak ng ulan na umagos sa buhay mo. Isa lang akong mukhang pansamantalang nakita at di napansin.
Tama na ang drama. Kain na lang tayo.
Ano?! Wala na?
'Tang Ina! Gutom na ako. Wala na ung noodles. Ubos na.
Sayang. Chicken flavor pa man din yun...
Labels: Mula sa kawalan ng pagmunimuni
1 Comments:
hehe... kakaaliw
Post a Comment
<< Home