Saturday, February 03, 2007

I'm baaaaack!



Opo. Tama po ang inyong nabasa. Ako'y nagbabalik para ipamahagi ang mga pananaw ko sa buhay. Di ko lang alam, baka bukas, ayaw na naman gumana ang utak ko at mawawala na naman ako.

Opisyal na po. Ako'y babalik sa unibersidad para mag-aral ulit. AB English ang kukunin kong kurso. At kung papalarin, kukuha ako ng TOEFL o kaya'y IELTS para makapagturo sa ibang bansa. Pero lahat ng ito ay plano pa lamang. Ang sigurado ay magtuturo ako, at magsulat din kung makakapasa sa panlasa ng tao ang mga gawain ko. Pero kahit na hindi, ipagpapatuloy ko pa rin para lang sa pansariling kaligayahan (satisfaction po iyon sa ingles).

Tanong: Bakit AB English? Sa mga di po nakakakilala sa akin, nagtapos ako ng ECE, Electronics and Communications Engineering po ang ibig sabihin ng ECE. Ito ay sa mga di po nakakalaam lamang.

Di ba malayo ang AB English sa ECE?

Tama, malayo nga pero gusto kong sumubok sa ibang larangan. Yung di palaging gumagamit ng napakaraming numero, mga teknikal na terminolihiya, at modernong teknolohiya. Di ko ipagkakaila na mahilig din ako sa makabagong 'electronic gadgets' pero gusto kong linangin ang aking 'artistic side'. Mula pa ng pagkabata, gusto kong magbasa at magsulat pero ang mag ito ay nauwi sa pagkahilg sa computers at sa communication technology.

Kung AB English ang gusto kong kuning kurso, bakit sa Filipino ako nagsusulat ngayon sa blog na ito?

Wala, gusto ko lang.

Salamat pala sa http://www.tagalog-dictionary.com/ sapagkat kung wala ito, mahahalata na naghihikaos ang bokabularyo ko sa Filipino. Ang katotohanan ay mas mahirap magsulat sa Filipino kaysa sa Ingles kasi walang automatikong (?) tagapagtama ng mali mong baybay sa Microsoft Word. At nasanay na rin tayong magsulat sa lengguwaheng pangtxt, kaya di natin namamalayan, iba na ang baybay ng mga salitang ibig nating isulat. Tama o tama ba ang sinasabi ko?

Ano, balik na tayo sa ingles? Sure. No problem.

So where was I these past months? FictionPress. This is where I spend most of my time. I got addicted to 'Internet novels'. I don't have the time to go and buy books or even borrow. Having time just to drop by to National bookstore and look for a new book to sink my fangs in, is a very rare luxury. The last time I bought a book was last April 2006. Yes, you read it right, April 2006. It's nearly a year since I've been to a bookstore. By the way, I bought 2 books that time.
Stainless Longganisa by Bob Ong, which I just finshed reading last Feb 7, 2007 because I took a day off from work. Well, the truth is, there was a scheduled power interruption here in Baguio City from 7am to 7pm, so I spent the whole day at home reading and sleeping. But I'm not that lazy. I cooked dinner for the family that day.

The other book I bought was Paboritong Libro ni Hudas, by Bob Ong as well. So far, I'm still at the last chapter but I can say that it is one of my favorite books up to date, aside from ABNKKBSNPLAko?! again by Bob Ong and The Rose of the Prophet by Tracy Hickman and Margaret Weis. Actually, it is a triology and I just read the first book 'The Will of the Wanderer'. I'm still looking for the elusive second and third book, entitled The Paladin of the Night and The Prophet of Akhran, respectively.

Attention: Ako po'y nanawagan sa mga taong nakakabasa nito, kung meron pong nakakaalam kung saan po ako makakapagtagpo ng kopya ng mga nasabing libro dito sa Pilipinas, particulary sa Baguio, pero kahit sa Maynila puwede po, sana po ay ipagbigay alam sa akin. Ito po ay seryosong usapan. Mula pa po nng dekada '90 ako naghahanap ng mga librong ito pero sa kasamaang palad, hindi ko pa rin ako nakahanap.

So I hope I explained enough. I’m going back to where I spent my last 3 months away from my blog.

Ciao!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home